Kung ang ilan sa mga kalalakihan ay hanap-hanap at hindi kayang mamuhay kung hindi kapiling ang mga babae, ibahin ninyo ang isang lalaki sa Africa na kung saan nagtatago at ayaw magpakita sa mga babae.
Siya si Callitxe Nzamwita, 71 anyos na lalaki at literal na maituturing na takot sa mga babae.
Dahil sa takot umabot na sa 55 taon ang kanyang pagtatago pati ang mga kalalakihan ay kanya na ring pinagtataguan.
Kaya naman kinalangan niyang bakuran ang kaniyang tinitirhan ng mga harang para hindi siya masilayan at makahalubilo ng mga babae.
16 anyos pa lamang siya kinakitaan na nang pagkatakot sa mga babae.
Ayon sa mga eksperto maaring nakararanas si Nzamwita ng “gynophobia,” isang very rare condition na isinasalarawan bilang “morbid and irrational fear of women.” KENNETH BERMIL