PNP-ACG, dumipensa sa pagsama ni Rendon sa Makati raid

Nilinaw ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na mayroon guidelines na sinusunod ang mga media o private entity na sumasama sa kanilang mga operasyon.

Sa panayam ng ng Brigada News FM Manila, kay PNP-ACG, spokesperson PCapt. Michelle Sabino, hindi sila namimili ng mga media o taong sasama sa kanilang mga operation kagaya ng ikinasa Makati City sa isang onlinelending company na kung saan may presensya ng isang vlogger.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Ayon kay PCapt. Sabino, kahit sino ay welcome at mariin nitong sinabi na dapat ang focus ng mga tao ay tagyumpay ng PNP-ACG sa operasyon at hindi ang vlogger na si Rendon Labador.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Una rito, umaani ng batikos ang vlogger dahil sa ginawa nitong pag-live sa Online Lending Operstions (OLA) kung saan na expose ang mukha ng ilang empleyado na nagreklamo matapos tila nahuhusgahan na kaagad kahit wala pang proper na imbestigasyon sa insidente.