Govt sa otoridad, ospital sa mga probinsya: spike sa COVID case, paghandaan

Inatasan ang lahat ng rehiyon at mga local governments na maghanda pa sa posibleng pagtaas sa kaso ng COVID-19, matapos na mas marami pang lugar ang itinaas ng gobyerno sa Alert Level 4.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan dagdagan ng mga pampublikong ospital ang kanilang COVID-19 bed capacity sa 50 percent, mula sa kanilang total beds, habang sa mga private facilities ay kailangang maglaan ng kahit 30 percent ng mga higaan para sa mga COVID-19 patients.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Maliban dito, kailangan na mag-ibak ng mga kinakailangang gamot sa pagma-manage ng COVID cases.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Dagdag ni Vergeire, na sa mga local governments naman, kailangan na paigtingin ang kanilang PDITR (Prevent, Detect, Isolation, Treat, Reintegration) efforts at palakasin ang vaccination.

Giit kasi ng opisyal na ang epekto ng mataas na vaccination rate laban sa COVID-19 na makikita sa Metro Manila, ay resulta na ang mayorya ng mga kaso ay asymptomatic hanggang mild lang.