COVID vaccination drive, dadalhin sa tollways, transport hubs

Mas magiging accessible pa ang COVID-19 vaccines sa mga motorista at commuters, sa harap na nakatakdang magpatupad ang gobyerno ng vaccination program sa mga expressways at sa mas marami pang transportation hubs, sa buong bansa.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ang “We Vax As One Mobile Vaccination Drive” ay dadalhin sa mga train stations, airports, at tollways sa mga susunod na araw.

Una nang inanunsyo ng gobyerno na ang COVID-19 vaccines ay magiging available sa Jan. 24 hanggang 28 sa Parañaque Integrated Terminal Exchange.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Dagdag ni Nograles, 500 doses ng AstraZeneca vaccines ang magiging available araw-araw sa PITX, kung saan papayagan ang mga walk-ins.