Gov’t magpapatupad ng mahigpit na border control vs Delta variant, kasabay ng panagawan ni Go ng public vigilance, intensified vaccine rollout

Nanawagan si Sen. Bong Go sa gobyerno na magsagawa ng agarang aksyon upang lalo pang mapaigting ang mga existing health and safety protocols, dahil sa banta ng pagkalat sa kaso ng Delta variant sa bansa.

Ayon kay Go, ang mahigpit na border controls ay tugon sa kumpirmasyon ng Department of Health na mayroon nang local transmission ng mas nakakahawang variant sa bansa.

Sa gitna ng patuloy na pagbalanse ng gobyerno sa health at economic goals, nagbabala si Go sa mga Pilipino na maging maingat sa virus.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Binigyang diin rin ng senador na ang top objective ng pamahalaan ay mailigtas ang bawat buhay.

“Mag-ingat po tayo, ‘wag po tayong magkumpiyansa. Kailangan po namin ni Pangulong Duterte ang tulong, kooperasyon at disiplina ng bawat mamamayanang Pilipino.,” pakiusap ni Go.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Pinasalamatan rin ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapaigting sa border patrols, hindi lang sa major airports at seaports, kundi sa iba pang entry points ng bansa, kabilang na sa backdoor border sa Mindanao.

“Patuloy rin ang pagmo-monitor ng sitwasyon sa ibang bansa kaya nag-i-implement tayo ng stricter travel restrictions sa mga galing sa high risk countries, tulad ng Indonesia, Malaysia at Thailand,” saad ng senador.