Binigyang diin ng medical expert na ang COVID-19 Delta variant ay 60 percent na mas nakakahawa kumpara sa naunang mga variants, dahilan para mas maging potent ang virus at nakakamatay.
Pero ayon kay Dr. Edsel Salvaña, miyembro ng IATF Technical Advisory Group, na ang Delta variant ay maari namang malabanan sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health standards gaya ng social distancing, pag-gamit ng face masks at face shields, at higit sa lahat pagpapabakuna.
Giit ni Salvaña, ang Delta variant ay tatlong beses na mas nakakahawa kumpara sa orihinal na SARS COV-2 virus.
Paliwanag nito, ang mas nakakatakot, kayang mag-infect ang naturang variant ng walong katao sa palibot ng isang carrier, dahilan na mabilis ang pagkalat nito.// MHEL PACIA-TRINDIDAD
