Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga Pilipino na manatiling vigilant, at makipagtulungan s amga otoridad, at suportahan ang response efforts ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa gitna ng pag-usbong ng bago at mas nakakahawang variants ng virus.
Bilang chairman ng Senate Committee on Health, binigyang diin ni Go ang kahalagahan ng mas mahigpit na pagpapatupad ng health guidelines, maging ang pagpapasensya at disiplinado ng mga mamamayan, para mabawasan ang COVID-19-related hospitalizations at fatalities.
Sa kanyang video message sa joint relief operation sa Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Hulyo 20, nanawagan si Go ng patuloy na bayanihan efforts sa mga kumunidad para maging ligtas ang mga tao, habang narerespondehan ang daily needs ng vulnerable sectors sa gitna ng hirap na dulot ng pandemya.
“Lagi natin alalahanin na hindi kaya ng gobyernong mag-isa ang laban kontra pandemya. Hindi rin kakayanin ng mga frontliners kung patuloy na dadami ang kailangang dalhin sa mga ospital. Preventing the spread of COVID-19 starts with us by being responsible citizens and following health and safety protocols,” saad ni Go.
Samantala, namahagi naman ang staff ni Go ng pagkain, vitamins, masks at face shields sa 1,812 beneficiaries, na binubuo ng mga dating rebelde, mangingisda at mga miyembro ng Agora Market Vendors Association, sa C3 – City Commercial Center.
