BNFM Bicol – Inilabas ng Department of Health Bicol ang kanilang pinakabagong COVID-19 Bulletin (No.2024-0050) nitong Hulyo 15, 2024.
Makikita rito na mula Hulyo 7 hanggang Hulyo 13, 2024, naitala ang 16 mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para umakyat sa kabuuang 1,898 sng sktibong kaso ng naturang sakit. Wala pang naitalang bagong pagkamatay sa rehiyon, kaya ang kabuuang bilang ng mga nasawi ay nananatili sa 2,767, 66,307 naman ang bilang ng mga gumaling.
Sa kabila ng pagtaas ng kaso, ang pag-asa ay nasa mataas na vaccination rate ng rehiyon, na umabot na sa 92.84% ng target na populasyon ang nabakunahan. Sa kasalukuyan, 3,637,235 indibidwal ang fully vaccinated, at 676,454 ang may booster doses. Bagaman patuloy ang laban kontra COVID-19, ang rehiyon ay patuloy na nagpapatupad ng mga hakbang upang mapababa ang bilang ng mga kaso, tulad ng pagpapalakas ng vaccination program at patuloy na pagpapaalala sa publiko na sundin ang mga health protocols. ### Rumer Grant, Intern
Photo Courtesy of Web