Pinalaya si Cagayan Governor Manuel Mamba mula sa detention, ayon sa desisyon ng House Committee on Public Accounts at Committee on Suffrage and Electoral Reforms.
Ito’y matapos maglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema laban sa desisyon ng dalawag house panel na ipa-cite in contempt si Mamba.
Batay sa impormasyon mula kay House Sergeant-at-Arms Napoleon Taas, nagpasya ang Kongreso na pagbigyan ang mosyon ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta na palayain si Mamba.
Ayon naman kay House Speaker Martin Romualdez, kusang sumuko si Gov. Mamba sa Kamara kahapon matapos mapatawan ng contempt dahil sa kabiguang dumalo sa ilang nakalipas na pandinig.
