CAMARINES NORTE – Muling nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue sa mga kakandidato ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections hinggil sa kanilang tax compliance requirements.
Mababatid na nagpadala na ng abiso ang BIR- Revenue District Office No 64 sa sa iba’t- ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte patungkol sa registration, update at compliance requirements ng mga kakandidato alinsunod sa Revenue Memorandum Circular No 31- 2019.
Kabilang sa summary of compliance requirements ay ang BIR Registration, Annual Registration Fee and certificate of registration, Registration of Books, Invoicing requirements, preservation of accounting records, tax treatment of campaign expenditures, tax treatment of campaign contributions at income tax.
Imi-maintain ng RDO ang listahan ng lahat ng registered candidates at political parties.
Kung maalala ay una nang nagpaalala ang RDO 64 na kailangang magrehistro sa BIR ang kandidato sa paghahain ng COC. Kung dati nang may registration o kaya naman ay unang pagkakataon na magre- register sa BIR para lang sa pagtakbo sa halalan ay awtomatikong magtatapos ito sa loob ng 30 araw pagkatapos ng halalan kaya dapat ipa- close ang registration at ang mga hindi nagamit na resibo para sa eleksyon ay dapat i- surrender lahat sa BIR.
