Gov. Dong Padilla bumisita sa Camarines Norte Provincial Hospital sa unang araw ng kaniyang panunungkulan bilang Gobernador

CAMARINES NORTE- Bumisita sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) si Governor Ricarte “ Dong” Padilla sa unang araw ng kaniyang panunungkulan bilang Gobernador ng lalawigan.

Inikot ni Padiila ang iba’t- ibang bahagi ng ospital kasama si Provincial  Health Officer Dr. Arnel Francisco kahapon ng tanghali.

Matatandaan na sa kaniyang inaugural address ay sinabi ni Padilla na isa sa kaniyang prioridad ay ang pagsasaayos ng CNPH at ang pagtatayo  ng Camarines Norte General Hospital.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa kaniyang pag iikot kahapon ay may mga napansin si Padilla na mga problemang dapat tugunan.

Kabilang dito ay ang problema sa kakulangan ng doktor at ang maintenance ng mga equipment.

Plano ng Gobernador na mag- install ng mga solar panel upang ma- maintain ng maayos ang mga equipment.

Pinuna nito ang kakulangan ng air condition lalo na sa  diagnostic laboratory na posible umanong nagiging dahilan ng pagkasira ng mga equipment.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Hindi rin kuntento ang opisyal sa bentilasyon ng Emergency Room.

Inalam din nito kung gaano katagal pumipila ang mga pasyente lalo na sa Out Patient Department.

Samantala, Status quo ngayon ang mga kawani ng CNPH o wala munang pagalaw sa kanilang mga posisyon.

Pagkatapos na mag ikot sa buong ospital ay nakipagpulong ang Gobernador sa Provincial Health Officer at iba pang mga opisyal ng CNPH.