NAGA CITY- Pormal nang umupo sa pwesto ang bagong Gobernador ng Camarines Sur. Governor Luigi Villafuerte kahapon Hulyo 1, kasabay nito sa oath taking ceremony ang kaniyang amang si dating Gobernador 2nd District Representative LRay Villafuerte at nakatatadnang kapatid na si former governor 5th District Representative Migz Villafuerte.
Sa talumpati ni Gov. Luigi, inisa-isa nito ang mga bibigyang prayoridad kasama rito ang agrikultura pati ang pagtatag ng coconut processing hub, trabaho, edukasyon kabilang ang pagpapatayo ng community colleges , kalusugan at marami pang iba.
Binigyang diin ang pagpapalawak ng mga serbisyong pangkalusugan. Mas malayo pa ang mararating ng medical backpackers dala ang mga health services na mayroon ang mga medical vans sa Hospital on Wheels; nasa 250-libong pasyente ang nasisilbihan sa loob ng walong buwan.
Iprenisenta rin nito ang mga kagamitan para sa Camarines Sur Provincial Medical Center, pati pagpapatayo ng mga bagong pagamutan.