CAMARINES NORTE- Naaresto ng mga operatiba ng Basud Municipal Police Station ang isang lalaki na akusado sa pangmomolestiya sa isang menor de edad sa bayan ng Basud, Camarines Norte.
Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Rene Morallo De La Cruz, ng Family Court, Fifth Judicial Region Branch 5, dinampot ng mga pulis ang akusado na kinilalang si alyas Janggo, 38 anyos, may asawa, construction site checker, at residente ngPurok 1, Mocong, Basud, Camarines Norte.
Ginawa ang pag aresto kahapon ng umaga sa P-4, Barangay Talobatib, Labo, Camarines Norte.
Nahaharap ang akusado sa kasong Sexual Abuse sa ilalim ng Republic Act 7610 o Child Abuse.
Nag ugat ang kaso matapos na pasukin umano ng suspek ang bahay ng isang 14 anyos na kabaranggay nito at minolestiya noong Pebrero 4, 2022.
Nag rekomenda ng piyansa na nagkakahalaga ng P180, 000.00 ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na nasa kustodiya ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.
