Gordon, hiniling ang approval ng panukala na magtataas sa edad na magdiditermina sa statutory rape

Nanawagan si Senator Richard Gordon sa kaniyang mga kapwa mambabatas na aprubahan na ang committee report ng panukala na magtataas sa edad na magdiditermina ng statutory rape at iba pang acts of sexual abuse.

Sinabi ni Gordon, chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, na kinakailangan na ang urgent response laban sa child sexual abuse at exploitation sa bansa.

Iginiit ng senador ang pagpapanatili sa 12-anyos ng age of consent ay delikado para sa mga kabataan dahil mas nagiging vulnerable sila sa sexual abuse.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Ayon kay Gordon, ipinakilala niya ang Senate Bill No. 2332 dahil dapat ay itaguyod ng Kongreso ang karapatan ng bawat bata na maging malaya mula sa sexual exploitation.

Ipinunto ni Gordon na ang Pilipinas na ang may pinakamababang age of sexual consent sa Asya, at isa sa mga pinakamababa sa buong mundo.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Samantala, sinabi rin ni Gordon na sa pamamagitan ng panukala ay maaring makasuhan ng statutory rape ang parehong babae o lalaki.

Hindi na anya mahalaga sa panukala ang sexual orientation ng akusado.

Ipinaliwanag ni Gordon na kinailangan gawin ito matapos mapag-alaman na mas magaan ang sintensya na natatanggap ng mga sangkot sa pang-aabuso sa mga batang lalaki.