Magsisimula na ngayong araw ng Huwebes, November 16, 2023 ang Goconut Trade Fair ng Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon sa pakikipagtulungan sa Coconut Farmers and Industry Development Plan.
Tampok sa nasabing trade fair na lalahukan ng 21 mga exibitor ang iba’t ibang produkto na gawa sa coconut raw material.



Gaganapin ito sa SM City at tatakbo hanggang sa ika-20 ng Nobyembre. Kaugnay nito, lahat ay inaanyayahan na bisitahin ang nasabing trade fair at tangkilin ang mga produktong tampok dito.
