Nasa ikatlong pwesto ang Lungsod ng Sorsogon na mayroong mataas na Locally Sourced Revenues sa pitong Lungsod sa Bicol Region.
Ayon kay Olimpio Romero Jr, City Assessor, nasa Top 2 ang lungsod sa Collection Efficiency ng Local Revenue noong 2022 na simula sa orihinal na target na P163,910,975.23, nakakuha ang lungsod ng P183,616,151.96 collections o 112% collection efficiency.
Top 3 rin ang lungsod sa mayroong Highest Nominal Locally Sourced Revenues na nakakuha ng P225,835,363 revenues.
Ayon pa sa opisyal, nakuha rin ng Sorsogon City and Top 1 sa pitong lungsod sa Bicol noong 2021 matapos na tumaas ang collection mula sa orihinal na P1,986,530,770.
Naabot ng lungsod ang P2,658,307,126 o mas mataas ng 34% kumpara noong mga nakalipas na taon.
Matatandaan na naunang sinabi ni Romero na tumaas ng 2,774.82% ang Real Property Assessment sa lungsod ngayong 2nd Quarter ng 2023 o P141,515,000.00 sa mga Real Properties sa lungsod.
