Nakikiusap ang Embahada ng Pilipinas sa gobyerno ng Cambodia na huwag nang kasuhan ang nasagip na 20 Pilipinong ginawang surrogate mothers sa naturang bansa.
Ayon kay Department of Justice Usec. Nicholas Felix Ty, inilalaban ng Pilipinas na mai-apply sa mga biktima ang non-punishment o non-criminality principle.
Base sa batas ng Cambodia, itinuturing na krimen ang surrogacy kaya maaaring maharap sa kaso ang mga nahuling Pilipina. Giit naman ni Ty na ang mga Pilipina ang biktima dahil maituturing na human trafficking ang pagrecruit sa mga ito.