Binuntutan at ginitgit ng barko ng China ang BRP Datu Cabaylo sa Pag-asa Island sa gitna ng mga diskusyon hinggil sa Code of Conduct sa pagitan ng China at mga bansa sa ASEAN Summit sa Laos.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nakaranas muli ng pangigipit ang barko ng Pilipinas sa China habang nagsasagawa ng routine and maritime patrol malapit sa Pag-asa Island.
Sinabi ni Defense Sec. Gilberto Toedoro Jr., mahirap simulan ang makabuluhang diyalogo sa China kung patuloy ang ginagawang pagbangga, panggigipit, at panghaharang nito sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.