Wi-nelcome ni Justice Sec. Boying Remulla ang ginawang pagkansela ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pasaporte ni dismissed Bamban mayor Alice Guo.
Sabi ng Kalihim – mag-o-all-out na raw ang National Prosecution Service (NPS) ng DOJ para sa prosecution ng mga kaso ni Guo.
Kasunod nag naging kanselasyon – ‘timing’ na ‘timing’ daw ito para sa mga kaso laban sa dating akalde.
Aniya, ito raw ang nagbukas ng pinto para sa mas pursigido pa nilang pagtulak sa accountability laban sa mga iligal na gawain.
Pagdating naman sa usapin ng kandidatura ni Guo – sinabi ni Remulla na bagamat puwede itong mag-file ng candicacy, kuwestyon pa rin kung isa ba siyang tunay na Pilipino.
Una nang sinabi sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay PAOCC spokesperson Winston Casio na ang binuong task force, kabilang ang DOJ at PAOCC, ang siyang tututuol sa kandidatura ni Guo.
Aniya, bagamat tatanggapin ng COMELEC ang COC nito, may mga grounds naman para ‘di matuloy ang kaniyang pagtakbo.