Ben Tulfo – deadma sa dynasty

Naghain na ngayong araw ng certificate of candicacy ang isa sa Tulfo Brothers na si Ben Tulfo.

Aniya – nakatanggap naman siya ng ‘thumbs up’ kina Senators Raffy at Cong. Erwin sa kanyang pagtakbo.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Nang matanong naman si Ben tungkol sa dynasty, sinabi niyang ang ‘dynasty’ lang umano sa kanila ay ang ‘pagtulong sa tao’.

Dagdag pa niya, hindi naman din nila ito kasalanan dahil ang tao naman ang namimili ng kanilang iluluklok.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Kung maaalala – tatakbo rin bilang senador si Cong. Erwin.

Sa Kamara – 2nd district Rep. naman ang anak ni Sen. Raffy na si Ralph; at ACT-CIS Rep. ang asawa niyang si Jocelyn.