Gobyerno, iminungkahi ang pagpapabakuna ng mga menor-de-edad sa Oktubre

Iminungkahi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na masimulan ang vaccination ng mga menor-de-edad, na 12-17 anyos, laban sa COVID-19 sa gitna ng Oktubre.

Sa huling Talk to the People, ay sinabi ni Galvez na meron 23.75-million vaccines na stock ang gobyerno, habang meron naman karagdagang 20-million ang inaasahang darating sa unang linggo ng Oktubre.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ipinunto ng kalihim na pwedeng mabuksan ang vaccination para sa mga kabataan sa gitna ng Oktubre para sumakto ito sa pagdating ng mga karagdagang bakuna.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Inirekomenda naman ni Galvez na mauna sa pagpapabakuna ang mga bata na may comorbidities at ang mga anak ng mga healthcare workers.

Matatandaan na inaprubahan ng panel ng mga ekesperto ng gobyerno ang pagpapabakuna kontra COVID-19 ng kabataan.