Magsisimula nang magturok ng booster shots para sa A4 category o mga economic frontliners ang Local Vaccination Operations Center ng Olongapo City.
Ayon kay Dra. Anna Figuerrez ng City Health Office, sisimulan ito sa darating na araw ng Lunes, January 24 na gagawin sa SMX Convention at Columban Site.
Paalala ni Dra. Figuerrez sa lahat ng magpapaturok ng booster shot ay dapat tatlong buwan na ang nakakalipas mula nang maturukan ng primary vaccine pero kapag Janssen naman ay dalawang buwan lamang.
Samantala, ngayong araw ng Byernes, January 21 ay kinansela muna ng LVOC ang pagbabakuna matapos na ma-expose ang ilang health workers habang may iba na nagpositibo sa virus kaya sa Lunes na lamang itutuloy ang vaccination.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
