Gobyerno, bukas sa paghingi ng supplemental budget sakaling magkulang ang pondo para sa ayuda

Tiniyak ng Malacañang na sapat ang pondo ng gobyerno para bigyan ng ayuda ang mga tao na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine.

Gayunman, sinabi ng Palasyo na bukas rin ito sa paghingi ng supplemental budget, sakaling magkulang ang hindi pa tukoy na source ng pondo ng gobyerno.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pwedeng galawin ng gobyerno ang mga karagdagang pondo mula sa savings at dividens ng government-owned and controlled coporations.

Sa ngayon ay nagtabi na ang adminsitrasyon ng P13.1-billion para tulungan ang 10.7-million na residente ng Metro Manila, na isinailalim sa ECQ mula August 6-20.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Meron din iba pang P1-billion na gagastusin ng gobyerno para tulungan ang isang milyong residente ng  Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City, at Gingoog City, na noong July 16 pa naka-lockdown.

Inaasahan naman ng magla-lapse ang lockdown nito hanggang August 7.