Magbabalik telebisyon na ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos ang maraming taon na pagpapahinga.
Sa Instagram ay ibinahagi ni Kris ang magandang balita, kung saan ay sinabi niya na magsisilbi siya bilang co-host ni Willie Revillame sa TV special ng isang online shopping platform.
Aminado naman si Kris na nakakaramdam ito ng kaba sa kaniyang pagbabalik telebisyon.
Inihayag niya sa post, Honestly, takot akong bumalik on TV (and all platforms FB, YT, IG, and Twitter) this Sunday because i know i’m underweight,

Ipinunto ni Kris na bagamat fully vaccinated na siya laban sa COVID-19 ay meron pa rin siyang taglay na autoimmune disease.
Dagdag niya, “i’m still grieving, and matagal na kong hindi lumalabas on network TV.”
Gayunman, sinabi ni Kris na ayaw niyang biguin ang kaniyang followers na nagsasabi na “strong” siya, at pagkakataon na niya para patunayan ito.