Suportado ni Sen. Christopher Bong Go ang pagpapanatili ng suspensyon ng pagtaas ng Philhealth contribution.
Sa isinagawang Senate hearing ng Committee on Health and Demography kaugnay ng Universal Health Care amendments, hinikayat din ni Go ang mga kapwa mambabatas na pakinggan ang hinaing ng mga Pilipino na hanggang ngayon ay hirap pa rin na makabangon mula sa epekto ng pandemya.

Bukod ditto, suportado rin ng senador na mapag-aralan ang gagawing amyenda sa batas upang mabalanse ang magiging epekto nito sa pondong pangkalusugan at sa mga umaasa mula rito.
Samantala, hiniling rin ng senador sa Philhealth na i-expand ang free dialysis coverage, pag-implementa ng outpatient benefit package gaya ng free medical check-up at pagtaas ng benefit packages.
Ibinalita ng PhilHealth na plano nilang i-taas sa 156 ang dialysis sessions na sasagutin ng PhilHealth simula susunod na buwan.//CA