Mayroong binubuong game plan bilang paghahanda sa FIBA World Cup Asian Qualifiers si Gilas coach Chot Reyes.
Ayon kay Reyes, may ibang plano siya kay Justin Brownlee na makikita sa unang pagkakataon bilang naturalized player ng Pilipinas sa FIBA.

Hindi naman nito sinabi ang plano upang maiwasan makakuha ng istratehiya ang makakalaban ng Gilas.
Tuwing Lunes ginagawa ang ensayo ng Gilas Pilipinas. Ngunit inaasahan umanong madadagdagan ito ng araw sa oras na papalapit na ang petsa ng bakbakan sa susunod na buwan.//CA