Go pinayuhan ang publiko na huwag magkumpiyansa kahit bumababa ang quarantine restrictions

Umapela si Senador Christopher Bong Go sa publiko na huwag magkumpiyansa ngayong lumuluwag na ang mga quarantine restrictions sa bansa.

Ipina-alala ng mambabatas na delikado pa rin ang panahon dahil nandiyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Ayon kay Go Ngayong ibinaba na ang alert levels sa maraming lugar lalo na sa Metro Manila, sikapin nating mapanatiling mababa ang bilang ng nagkakasakit sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa mga patakaran at pagbabakuna.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Dagdag pa ng senador na hindi porket pwede nang lumabas at gumala ay hindi na mag-iingat.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Iginiit ng presidential aspirant na ang pagiging responsableng mamamayan at pagpapakita ng malasakit sa ating mga frontliners ang pinakamabisang ambag ng bawat isa sa atin tungo sa muling pagbangon ng ating bansa.

“I am confident that through compassionate service, shared responsibility and cooperation, we will see brighter days ahead,” saad po ni Go.