Isinusulong ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang mabusising pagre-review sa mga polisya na umiiral sa deployment ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Sa isang ambush interview, hinimok ni Go ang gobyerno na ikonsidera ang mas mahigpit na proseso pagdating deployment ng naturang mga workers sa ibang bansa, lalo na sa mga high rish areas o mga bansang may mga records at karanasan ng abuso at weak labor welfare practices.
Aniya, hindi nila gugustuhin na mawalan nga trabaho ang kaniyang mga kababayan na gustong magtrabaho sa ibang bansa.
Dahil dito, importante pa ring maproteksyunan ang buhay at mga karapatan ng naturang mga workers nasaan man sila sa mundo.
Mababatid na kamakailan, natagpuan ang nasunog na bangkay ng Pilipina workers na sa si Jullebee Ranara sa disyerto sa Kuwait kung saan ang pinaghinalaang suspek ay ang anak ng kanya mismong amo.
