Escudero, hinimok ang DOH na pangunahan ang national mental health study

Nais ni Senator Francis “Chiz” Escudero na pangunahan ng Department of  Health (DOH) ang nationwide study sa kasalukuyang mental health state ng mga Pilipino, kasunod nang pagpapakamatay ng mga estudyante noong kasagsagang ng pandemya.

Sa pagdinig ng Senado noong nakaraang linggo, na bunyag na nasa 404 na mga estudyante ang tinapos ang kanilang buhay at 2,147 na iba pa ang nagtangkang ma-suicide noong 2021-2022 school year.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Ayon kay Escudero, dapat maisama sa pag-aaral ang mga ordinaryong Pilipino mula sa ibat-ibang sektor – nagtatrabaho o walang trabaho, dahil mahalaga umanong makuha ang mga datos na iyan para malaman kung papaano gagawan ng remedyo o solusyon ang naturang problema.  Binigyang diin naman nito, na bilang advocate ng mental health and wellness, isinusulong din ni Escudero ang pagkakaroon ng mas malawak na coverage ng Universal Health Care program na isasama sa pag-promote sa mental health, at hindi lang gagamutin ang mental health-related issues.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño