Go, nanindigan na walang kumokontrol kay Pangulong Rodrigo Duterte

Nanindigan ang dating top aide ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senator Christopher Bong Go na walang sinuman ang kumokontrol sa mga desisyon at galaw ng Punong Ehekutibo sa pagpapatakbo ng bansa.

Ito ay matapos sabihin ng presidential aspirant na si Antonio Parlade na isa sa mga problema ng bansa ngayon ay ang pagkontrol ni Go sa Pangulo.

Ayon kay Go, mismong ang Pangulo na ang nagsabi na hindi naman ito magiging presidente kung pinapaikot lamang siya ng ibang tao.

Inihayag ng senador na bilang dating assistant ng Pangulo ay tumutulong siya sa pag-implementa ng ilan nitong mahahalagang desisyon tulad na lamang ng pagpapataas sa sweldo ng kasundaluhan.

Ipinunto naman ni Go na imbis na makipagsagutan sa dating heneral ay mas tututukan niya ang mga bagay na makabubuti sa gobyerno at sa bayan.

Samantala, sinabi naman ng Pangulo sa kaniyang taped briefing na kailangan niya si Go sa mga Cabinet meetings dahil nagsisilbi ito bilang chairperson ng Senate Committee on Health and Demography.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *