Hinimok ni Senator at Senate Sports Committee Chair Christopher “Bong” Go ang mga promising young Filipino athletes na makiisa sa National Academy of Sports Annual Search for Competent, Exceptional, Notable and Talented Student-Athlete Scholars (NASCENT SAS), matapos na mapalawig ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon hanggang sa July 31.
At bilang bahagi ng pananaw ni Go na makapagbigay ng dedicated academy kung saan mas mahahasa ng mga promising young athletes ang kanilang talento, habang kumukuha ng kalidad na edukasyon, ay naging author at co-sponsored ito ng National Academy of Sports bill sa Senado na naging ganap na Republic Act No. 11470 noong 2020.
Ang hakbang ay naglalayong magtatag ng NAS System at Main Campus sa New Clark City, Capas, Tarlac, kung saan ito ay isang government-run academy na layung mahulma ang mga future athletes sa bansa, na nag-aalok ng quality secondary education na may special curriculum sa sports para sa mga pinagpalang mga kabataan na gustong mapaganda pa ang kanilang physical at mental capabilities sa sports.
Ang NASCENT SAS Program na inilunsad noong Hunyo 18 ay isang annual search para tukuyin at mag-alok ng scholarships sa academically competent at athletically talented natural-born Filipino youth mula sa lahat ng sektor ng lipunan, kabilang na ang mga indigenous peoples, persons with disabilities, at iba pang marginalized groups.
