Natanggap na ng 24 na manggagawa mula Cabarroguis, Diffun, Maddela, Nagtipunan, at Aglipay, Quirino ang kanilang monetary claims na kinabibilangan ng holiday pay, overtime pay, premium pay, at bayad sa kanilang huling sahod sa unang semestre ng taon sa tulong ng Single Entry Approach o SENA ng DOLE Quirino Field Office.
Tatlong manggagawa ang nakatanggap ng pinakamalaking halaga na umabot sa P119,000 sa buwan ng Mayo.
Layunin ng programa na masolusyunan ang mga problemang umiiral sa kani-kanilang tanggapan at magkaroon ng maayos na kasunduan ang mga empleyado at employer.
Ayon kay Geraldine B. Labayani, Head ng DOLE Quirino Field Office at Single Entry Approach Desk Officer o SEADO, sisikapin ng kanilang tanggapan na sa loob ng 30 araw o mas maaga na maisasaayos at mabigyang pansin ang lahat ng mga kahilingang tulong mula sa E-SENA.
Kabuuang P224,698.90 ang monetary claims na naibigay sa mga nasabing manggagawa.