Ginang at anak na buntis, pinagtataga ng live-in partner; anak, patay

SORSOGON CITY –  Patay ang isang 22-anyos na limang buwan na buntis habang sugatan ang ina nito matapos silang pagtatagain ng live-in partner ng kanyang ina sa Brgy Puro, Aroroy, Masbate.

‘Dead on the spot’ si Reyna Tugbo habang naitakbo sa ospital si Lorena Tugbo, 42-anyos.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Kinilala ang suspek na si Ariel Atayde Gutlay, gold panner at tubong Sitio Matungaw, Brgy Cabangcalan ng nasabing bayan.

Sa pahayag sa Brigada News ng Aroroy Police, umuwi umano ang suspek na nakainom at nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang maglive-in partner na nauwi sa pananaga.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Patuloy ang pagtugis ng tracker team kay Gutlay at ayon sa pinakahuli nilang impromasyon, hindi pa umano nakakalabas ng bayan ang nasabing suspek.