CAMARINES NORTE- Sinangayunan ng ilang mga magulang sa Camarines norte ang desisyon ng DEPED na hindi magdeklara ng academic Break sa kabila ng pagsasailalim sa alert Level 3 status ng probinsya
Base sa naging komento ng ilang mga magulang sa programang Banat Brigada, nararanasan nila ngayon na talagang napakahirap ng pag aara sa blended lerning, masakit sa ulo lalong lalo na kung walang wifi connection at android cp ngunit kung magpapatupad pa ng academic break ay mas lalong walang matutunan ang mga bata
Suhestyon nito, palawakin na lang yung panahon ng paggawa at pagsasauli ng mga modules lalo na sa mga high school student
“Bilang isang magulang at grade 11 student ramdam ko na talagang napakahirap ng pag aaral, masakit sa ulo lalong lalo na Kung Wala kang wifi connection at android cp. Ngayon naiintidihan at nararamdaman ko Ang hirap ng anak at kapatid ko sa kanilang pag aaral. Pumabor man ako sa academic break mas lalong walang matutunan Ang mga bata… mas mabuti na lang din wag na lang ipatupad, palawakin na lang Yung panahon ng paggawa at pagsasauli ng mga modules lalo na sa mga high school student “ –Mary Grace Frio
Ayon naman sa ilan, hindi na kailangan pa ang academic break dahil mas tatambak ang mga kailangang tapusin ng mga estudyante lalo na ngayon na walang masyadong natutunan ang mga bata dahil sa hirap ng hindi pagkakaroon ng face to face classes
Una ng ipinaliwanag ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo na hindi kailangang magpatupad ng academic break ang Division Office dahil hindi naman pumupunta sa eskwelahan ang mga bata at nasa bahay lang ang mga ito para sa distance learning.
Gayunman kung magdeklara umano ng academic break ang Local Government Unit ay tatalima ang DepEd at magsusumite ng report ukol dito sa kanilang higher office o maaari dig mag desisyon ang Regional o Division Office ng suspension ng klase basta hindi ito lalagpas ng dalawang linggo sa loob nitong buwan ng Enero.
