Binasag na ni Gillian Vicencio ang kanyang pananahimik tungkol sa umano’y pagkakasangkot nito sa paghihiwalay nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Ikinagulat daw niya ito dahil pawang kasinungalinan lamang ang mga kumakalat na balita.
Nakapag-chat na rin daw siya kay Kathryn para linawin ang kanyang pangalan ngunit hindi pa sila ulit nagkikita sa personal.
Ayon kay Gillian, nakaramdam siya ng trauma mula sa bashing ng mga fans, ngunit um-okay-okay na siya ngayong matapos siyang hindi iwan ng kanyang mga kaibigan at pamilya hamon na ito.
Kung bibigyan naman ulit siyang makatrabaho sina Kathryn at Daniel, sinabi nitong game na game pa rin kasi wala naman daw talagang malice kung sakali mang matuloy ang proyekto.
