CCG ilang beses binuntutan at dinikitan ang BRP Teresa Magbanua sa Bajo de Masinloc

Mahigit 40 beses binuntutan ng Chinese Coast Guard vessels ang BRP Teresa Magbanua sa Bajo de Masinloc.

Nangyari ito nang magsagawa ang Philippine Coast Guard ng siyam na araw na maritime patrol na nagtapos ngayong Linggo.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ayon kay PCG spokesperson Jay Tarriela apat na beses na halos dikitan na ng mga barko ng China ang gilid at unahan ng BRP Terresa Magbanua para haraningin ito.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Sa kabila ng nangyari tiniyak ng PCG na patuloy nilang pangangalagaan ang mga Pilipinong mangingisda na pumapalaot sa WPS.