Adamson Baby Falcons, wagi sa UAAP Season 86 boys basketball

Tinalo ng Adamson University ang National University Nazareth School sa UAAP Season 86 boys basketball finals na may final score na 90-73.

Winakasan ng Baby Falcons ang 31 years na pagkabigong makuha ang titulo, na huli pa nilang nakuha noong 1993.

Nakapagtala ng 15 puntos si JC Bonzalida kasama ang tatlong assist, isang steal, at isang block.

Nagdagdama naman dito sina Tebol Garcia ng 15 pang puntos, habang ang season MVP na si Collins Akowe ay may 18 puntos, 13 rebound, tatlong assist, dalawang block, at isang steal.