Gilas Pilipinas wala pa rin talo sa men’s basketball ng 31st SEA Games

Wala pa ring talo ang Gilas Pilipinas sa men’s basketball competitions ng 31st Southeast Asian Games.

Huling biktima ng Gilas ang koponan ng Vietnam kagabi 88-60.

Nagsanib pwersa sina June Mar Fajardo, Kiefer Ravena at LeBron Lopez sa second half upang ganap na kontrolin ng Gilas matapos panatilihin ng Vietnam na dikit ang laban sa unang dalawang quarters.

Nagposte si Fajardo ng 25 puntos at 11 rebounds, may 12 puntos at pitong assist si Keifer habang si Lopez ay umiskor din ng 12 puntos sa isa pang impresibong pagpapakita para sa Gilas.

Si Thirdy Ravena ay nagkaroon ng all-around production na may anim na puntos, 13 rebounds, pitong assist at tatlong steals.

Sunod na makakaharap ng Pilipinas ngayong weekend ang mga koponan ng Malaysia at Indonesia.