Diskwento Caravan ng DTI muling aarangkada simula Hunyo

CAMARINES NORTE- Aarangkada muli ang Diskwento Caravan o rolling store ng Department of Trade and Industry (DTI) simula sa susunod na buwan.

Mag- iikot ito sa iba’t- ibang bayan sa Camarines Norte upang ilapit sa mga tao ang murang bilihin.

Ayon kay Alvin Sayno, Consumer Protection Division Head ng DTI Camarines Norte, isa umano ito sa tugon ng ahensiya upang kahit papano ay maibsan ang bigat na nararamdaman ng mga konsyumer dahil sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Tampok sa Diskwento Caravan ang iba’t- ibang bilihin na may discount na mula sampu hanggang tatlumpung porsiento.

Ang unang destinasyon ng DTI rolling store ngayong taon ay sa bayan ng Paracale sa Hunyo 10 na gagawin sa tapat ng munisipyo.

Ayon kay Sayno, hatid ng DTI ang mga malalaking kumpanya na magbebenta ng mga grocery items, basic and prime commodities food and non -food sa murang halaga.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Magkakaroon din ng dalawang araw na Diskwento Caravan sa bayan ng Daet bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan at Pinyasan Festival sa Hunyo.

Mayroon na umanong inisyal na pag- uusap sa pagitan ng DTI at ng LGU.

Target ng DTI na magsagawa ng Diskwento Caravan dalawang beses kada buwan sa iba’t- ibang bayan sa lalawigan.