Gilas Pilipinas recruit na si Lebron Lopez, sumali sa Overtime Elite League sa U.S.

Pumirma ang Gilas Pilipinas recruit na si Lebron Lopez sa Overtime Elite League sa Estados Unidos, na pinakahuli sa mga batang Pilipino na magbabahagi ng kanilang talento sa abroad.

Sinabi ng 18-anyos na si Lopez na “humbled” at “grateful” ito sa Overtime Elite dahil sa tiwala na ibinigay nito sa kaniya, at sa kanilang tulong para maabot niya ang kaniyang pangarap.

Iginiit naman ni Lopez niya na hindi mapapahiya ang Pilipinas sa kaniyang pagsali sa OTE.

Matatandaan na unang nakalaro ang 6-foot-5 wingman para sa Gilas noong nakaraang buwan sa FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan ay nagtala siya ng 8 points at 5 rebounds sa loob lamang ng sampung minutong aksyon laban sa Indonesia.

Dahil pinasok na ni Lopez ang mundo ng pro, ay tuluyan nang matatanggal mula sa kaniya ang collegiate eligibility pagkatapos ng high school stint nito kasama ang Ateneo sa UAAP, na nagtala ng 16 points at 9.2 reboumds.

Tinahak ni Lopez ang parehong ruta na pinagdaanan ni Kai Sotto na lumipad sa US noong 2019 o sa panahon na nakapirma ang bigman kasama ang Ignite sa NBA G League, at ngayon ay kasama ang Adelaide 36ers sa NBL ng Australia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *