PRRD, inaprubahan ang travel ban sa Indonesia

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon ng IATF na nagbabawal sa mga byahero na galing sa Indonesia na makapasok sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi rin papasukin sa Pilipinas ang kahit sino na may travel history sa Indonesia sa nakalipas na 14 na araw.

Magsisimula ang implementasyon ng naturang travel ban bukas, alas-12:01 ng madaling araw at tatagal naman ito hanggang July 31, 2021, alas-11:59 ng gabi.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Iginiit ni Roque na pwede pa rin pumasok sa bansa ang mga nanggaling sa Indonesia ngayong araw hanggang alas-12:01 ng umaga ng July 16.

Base rin sa resolusyon ay pwedeng makapasok sa bansa ang mga transiting passengers na mula Indonesia sa kondisyon na nanatili sila sa paliparan ng buong oras, at hindi sila na-clear ng imigration para makapasok sa nasabing bansa.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Gayunman, kailangan ng mga nasabing pasahero na dumaan sa 14 days facility based quarantine at sa negatibong RT-PCR result.

Ipinaliwanag ni Roque na ginawa ito ng gobyerno para maiwasan ng bansa ang pagpasok ng Delta variant na laganap na ngayon sa Indonesia.