“Gift of Love Offering Christmas Donation Box,” opisyal nang inilunsad ng LGU Juban

Bilang antisipasyon sa nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan, opisyal ng inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Juban ang kanilang “Gift of Love Offering Christmas Donation Box”.

Ang nasabing launching ay pinangunahan ng mismong alkalde ng bayan na si Gloria Alindogan at ng Juban PNP.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Matapos ang pagbabasbas ay naghulog na ang nasabing opisyal ng mga regalo na ipamamahagi sa mga piling benepisyaryo.

Kaugnay nito, hinimok din ang lahat o sinuman na mayroong kapasidad na magbigay ng regalo na magdonate ng kanilang pamasko sa pamamagitan ng paghuhulog nito sa nasabing Christmas Donation Box. Ang nasabing proyekto ay inisyatiba ng LGU sa layuning makapagbigay ng kasiyahan sa kanilang mga residente ngayong pasko.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu