Sisterhood agreement ng Sorsogon at Masbate, pormal nang nilagdaan

Pormal nang nilagdaan ng dalawang gobernador ng Sorsogon at Masbate ang Sisterhood Agreement.

Nitong Lunes ay personal na nilagdaan nina Sorsogon Governor Edwin Hamor at Masbate Governor Antonio Kho ang nasabing agreement.

Kabilang sa magiging partnership ng dalawang lalawigan ang pag papaunlad ng Social, Political, Economic at Socio Cultural Developments ng dalawang lalawigan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

 Ayon kay Hamor hindi lamang sa papel ang sisterhood ng dalawang lalawigan, maglalaan aniya ang Pamahalaang Lalawigan ng P50M pesos para rito.

Ang ceremonial signing ay sinaksihan nina  Sorsogon Vice Governor Jun Escudero, Masbate Vice Governor Olga Kho, at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng nasabing mga lalawigan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon naman kay Kho, kabilang sa nasimulan nila ang breeding ng mga high breed na baka mula sa Masbate patungong Sorsogon.

Matatandaan na nitong Marso 2023, nagpasa ng parehong resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon at Masbate bilang tanda ng pagkakaisa ng dalawang lalawigan upang isulong ang yamang kultura at economic developments ng nasabing mga probinsya.