Gerald Anderson, may comment sa pagkakasundo nina Julia Barreto at Bea Alonzo

Ngayong nagkabati na ang dating magkaribal na sina Julia Baretto at Bea Alonzo, hiningan naman ng komento si Gerald Anderson hinggil sa isyung ito.

Ayon kay Gerald, ganito talaga ang buhay at nagpapakita lamang ito na “time heals.”

Dagdag pa sa maiksing sagot ni Gerald, “moving forward” na sila sa nakaraang isyu, ibig sabihin ay naka move on na silang lahat dito.

Maalalang nagkabati sina Julia at Bea sa surprise tribute party sa Johnny Manahan o Mr. M.

Ito ang naging unang pagkakaton na nakita ang dalawa na nag-uusap sa isang event matapos ang kanilang away sa social media noong 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *