14 katao, patay sa landslide sa Indonesia

Patay ang 14 katao dahil sa pagguho ng lupa sa isla ng Sulawesi ng Indonesia, habang tatlo pang indibidwal ang nawawala.

Ayon kay local police chief Gunardi Mundu, naguhuan ng putik ang apat na bahay dahil sa malakas na ulan.

Read More:  2 foreign tourists die in suspected electrocution incident at luxury hotel pool in India

Dose-dosenang mga sundalo, pulis at mga boluntaryo ang kasalukuyang nagtutulungan para sa paghahanap sa mga nawawala pang indibidwal.

Read More:  Meghan Markle’s father Thomas Markle, arrested over alleged child pornography possession

Samantala, dalawa naman ang nailigtas kahapon ng mga rescuers, kabilang ang isang 8-anyos na babae, at agad na dinala sa malapit na ospital.

###