‘Gaslighting’, panibagong tactic ng China ayon kay Sen. Estrada

Nanindigan si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hindi kailanman magpapa-intimidate ang Pilipinas sa anumang panlilinlang, pamumuwersa at maging pagiging agresibo ng China.

Ito ay sa gitna ng kamakailang pang-aagaw ng mga Chinese Coast Guard (CCG) sa mga supplies na nakalaan sana para sa mga nagbabantay at mangingisda sa West Philippine Sea.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ani Estrada, tila ‘gaslighting’ din ang latest tactics ng mga ito upang makuha ang atensyon ng publiko na siyang makikita sa kamakailang pag-akusa ng Beijing na sinira at inalis ng mga tropa ng Pilipino ang kanilang fishing nets sa Ayungin shoal.

Ngunit sa kabila nito, tiniyak ng senador na hindi nila kailanman papayagan ang anumang paratang tulad nito na dungisan ang reputasyon ng mga magigiting na sundalo.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Anya, ang Ayungin shoal ay bahagi ng teritoryo ng bansa kung kaya’t tungkulin lang ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard na protektahan ito mula sa mga ilegal na mga aktibidad.