Booster para sa mga fully vaxxed adults, sisimulan na sa Dec 3

Sisimulan na ng gobyerno ang pagbabakuna ng COVID-19 booster shots para sa lahat ng fully vaccinated adults ngayong araw.

Ayon sa Department of Health, ang mga nakakompleto na ng kanilang primary series ng COVID-19 vaccines ay maaring mabakunahan ng alinmang brands, anumang bakuna ang itinurok sa kanila sa unang dalawang doses.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Ang mga brands na gagamitin ay Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Sputnik, at Janssen.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Nilinaw naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga fully-vaccinated individuals na tumanggap ng Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna, at Sputnik ay kailangang maghintay ng anim na buwan bago kumuha ng booster shots, habang ang nabakunahan ng Janssen ay tatlong buwan naman ang hihintayin. //MHEL PACIA-TRINIDAD