CAMARINES NORTE- Nais ng Commission on Elections na fully vaccinated na ang mga guro na magsisilbi sa darating na eleksyon.
Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes ng Comelec Speakers Bureau, bagamat hindi pa naman aniya ito polisiya ng komisyon ay nais nila na fully vaccinated na ang mga gurong magsisilbi sa eleksyon.
Aniya, nagsumite na sa kanila ng listahan ang ilang mga eskwelahan ng inisyal na listahan ng mga gurong nais magsilbi sa halalan.
Gayunman hindi pa umano maitalaga sa ngayon ng komisyon ang pinal na listahan ng mga gurong magsisilbi sa halalan dahil wala pang final list ng mga presinto.
Hindi pa umano sa ngayon makapagsapinal ng project of precinct o makagawa ng clustering dahil nagpapatuloy pa ang voter registration.
Sa ngayon,ang clustering umano ay isang Vote Counting Machine kada isang libong botante.
Mainam din umano kung mayroong covered court ang eskwelahan na magsisilbing holding area para masigurong nasusunod ang social distancing measure.

