Fully vaccinated pwede nang bumisita sa France

Maaari nang bumisita sa France ang mga fully vaccinated na tao nang hindi na kailangang mag-quarantine sa kanilang pagbabalik mula sa United Kingdom.

Kaugnay nito ay dumagsa ang bookings sa isa sa pinakasikat na pasyalan sa UK.

Gayunman, marami sa mga travel agents ang nagsabing masyado nang atrasado sa summer ang pagluluwag sa quarantine restrictions.

Matatandaan na mula sa “amber-plus” category ay pinapayagan na ng France ang mga bata at fully vaccinated passengers na hindi na mag-quarantine sa kanilang pagbabalik sa biyahe habang ang mga hindi pa bakunadong biyahero ay kailanganga mag-self isolate sa kanilang bahay sa loob ng 10 araw.

Samantala, muling nakaranas ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang UK kung saan naitala noong Linggo ang mahigit 27,000 na mga bagong kaso.