Full control sa jail facility sa north-eastern Syria na sinalakay ng ISIS, nabawi na ng militar

Kinumpirma ng Kurdish-led militia alliance na nabawi na nila ang full control sa jail facility sa north-eastern Syria na sinalakay ng Islamic State.

Ayon sa tagapagsalita ng US-backed Syrian Democratic Forces, sumuko na ang lahat ng Daesh terrorist sa loob ng Hasaka Ghwayran prison.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Umabot naman sa 181 ang patay sa mga sagupaang nangyari sa pagtatangka ng IS na magkaroon ng mass breakout.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Kabilang sa mga nasawi ang 124 militants, 50 pulis, SDF fighters and prison guards.

Samantala, kasamang na-trap sa pasilidad ng mga militants ang daan-daang child detainees.